May162012
2AM

(Source: ruoloc, via littlemissklutz)

2AM
2AM
May132012

An Open Letter to the One Who Will Stay

Dearest You,

I have read ample of books, heard hundreds of sad songs, and wrote numerous scribbles that became crumpled garbages at the end. I have come to like some guys, few puppy loves, and ironically, heartbreaks. In short, I have waited for so long for your coming, but it feels like I’m still unprepared.

I’m not anyone’s dream girl. In fact, Im too ordinary to be noticed. Physically, you can rate me 2. Im not emotionally stable. I am flawed.
I cry easily, just like how easy you can make me laugh. I have trust issues. I have weird habits and even weirder ambitions. I have moods. And I can be irrational sometimes. I can be the meanest girl you will ever meet.


But above all of this, amidst these dark sides of mine, is a girl who just want to be accepted by someone for who she is. Someone who will look at the brighter side of me, who will protectively assure the little girl inside my tough front cover, that everything will be okay as long as we are together. Someone who will stay through and through.

It’s still a long long way for both of us. Maybe as I write this, you’re in world way different than mine. Maybe we’ll meet few more people ahead before we come across each other. How many days to wait? Or months? Or years? No one knows. But this I promise you, I will always wait for you. My arms, and my heart will always try its best to be ready for your coming.

Wherever you are, is my home.

blog 

10PM

YinYang and Triple-sided Tape

Few days ago, I met these two girls, and in the most unusual way. But they refused to reveal their name when I told them I’m gonna write a note about each of them. So I’m gonna call the one Luna and the other Twinkle. For the benefit of story telling.

I met Luna at one of those benches in the university. Naghahanap ako ng matatambayan nung nakita ko sya, nag-iisa, habang nagbabasa ng libro. Nagaalangan pa nga ako lumapit kasi mukhang trip nya maging loner, kaso yun lang yung bakante, so I decided to take a seat beside her. She didn’t mind though, pakiramdam ko nga, di sya aware na may umupo sa tabi nya. Nakikiramdam pa rin ako sa kanya, nung nagtaas sya ng tingin, tapos bumaling sakin. Tama ang hula ko, hindi nya alam na may katabi na sya. She gave me small smile, that made me feel a little comfort. Then maya-maya, magkakwentuhan na kami.

I discovered that she’s 17 and taking up literary course. Tahimik lang sya, but makikita mo na marami na syang napagdaanan, base sa mga pananaw nya sa buhay. Panganay sya sa magkakapatid, and her parents are both regular workers. Tinanong ko sya kung ano mga hilig nyang gawin, sabi nya magbasa, magsulat ng kung ano-ano, mag-compose ng kanta. She’s a homebody person.

She admitted that she’s full of insecurity. Dahil daw sa physical appearance nya, pakiramdam nya, wala syang silbi. Did I say that she’s a little bit overweight?

She see the world as a place full of superficial people. That everyone relies on looks, and personality are just bonus. She has trust issues, most specially on men. Para sa kanya, lahat ng lalaki, thropy girlfriend lang ang habol. Na ang pakikipagrelasyon, kasingdali nalang ng pagpapadala ng pera sa ibang lugar. Na parang pag-order sa mga fast food chains. O parang pagluluto ng noodles. Instant.


She’s a pessimist, and she’s terribly moody. She see people way beyond what they show. She always think of hidden motives in everyone surrounding her. Pakiramdam daw nya, lahat ng tao, nagagamitan, nasa sayo lang kung magpapauto ka, o ikaw ang makakauto. Either way, pareho lang nagkakalokohan.

Ayaw nya sa bansa nya, masyado daw kasing bulok ang sistema. Lahat ng pulitiko, pera lang ang habol. Pera, kayamanan, kapangyarihan. Ang dami daming pwedeng pakinabangan, mga tao na pwedeng ipagmalaki, pero dahil lang sa pansariling interes, nauuwi sa wala. Natatawa sya ng mapait dahil napaka-ironic ng sitwasyon, yung mga squatters na ginagamit tuwing eleksyon sa mga tarpaulins and t.v commercials, sila yung nadedemolish pag tapos na ang meeting-de-avance at nakaupo na sa pwesto ang mga PULPOLitiko. Masyadong maraming mga tumutuligsa sa isa’t isa, na pareho din namang marurumi ang mga pagkatao at ideolohiya. Masyadong maraming matalino, masyadong maraming magaling, pero hanggang ngayon, 90% pa rin ng populasyon ang mahirap pa sa daga.
Tingin nya sa mga Pilipino, mahina,uto-uto, at may amnesia. Mahina dahil alam naman nilang naloloko na sila, hinahayaan nalang, nagpapadala sa agos ng rumaragasang kasamaan. Uto-uto. Napangakuan lang ng kung ano-ano, masyadong nagtitiwala. Dahil lang sa mga matatamis na salita, sunod-sunuran sa mga utos. Di nila alam na sa bawat halik sa pisngi, at daop kamay, katumbas ng isang boteng alkohol pag nasa loob na ng mamahaling kotse.
May amnesia. Mabilis makalimot. Bawat kontrobersya, sinasawsawan ng sari-sariling kuro-kuro, pagkatapos ng isang linggo nakalimot na agad. Ang taong pinagalaban nila sa kalye para maalis sa pwesto, iboboto ulit nila pagkatapos ng ilang taon.

Komplikado ang buhay para sa kanya. Puno ng masamang biro at aksidente. Parang masalimuot na teleserye, wala nga lang camera at make-up artists. Pero may trahedya, may kaunting romansa para bumenta, umaapaw sa drama, at walang puwang ang komedya. At matagal matapos, depende na rin sa mga karakter kung biglang maglalaho.

Marami syang kakilala, pero kakaunti lang ang kaibigan nya. Hindi sya naniniwala na may mga taong handang magsakripisyo ng sariling kaligayahan para sa ibang tao. Na may mga taong mas uunahin pa ang kapakanan ng iba kesa sa sarili. Ilusyon lang daw nga lahat ng mga nakikitang post sa FB, mga kaplastikan, at panloloko. Dahil para sa kanya, ang mundo ay makasarili. At ang mga tao, gahaman.


Ilang araw matapos kong makilala si Luna, ay sya namang pagpasok ni Twinkle sa istorya. Bumibili ako non ng juice sa isang tindahan nang makita ko sya, akala ko si Luna kaya kinalabit at tinawag ko. Nagulat nalang ako nung humarap, mali. Ibang tao pala. Medyo may hawig lang. Ngumiti sya sakin, kaya naisip ko na mukhang pwede ko rin sya maging kaibigan. Inaya ko sya sa isang tambayan, at doon kami nagkakwentuhan.

Ibang iba sya kay Luna. Yun agad ang naisip ko. Masayahin si Twinkle, mahilig mag-joke at tumawa. Parang ang gaan ng buhay para sa kanya. Punong puno sya ng positivity. Sabi nya sakin, naniniwala daw kasi sya na there’s always a silver lining. Na kung titingnan mo daw lahat ng bagay, laging mayroon kang dapat ipagpasalamat. Palakwento lang sya, habang ako, umiinom ng juice.

Marami daw syang kaibigan, iba-ibang grupo. Natatawa pa nga sya kasi yung iba daw sa mga grupo na yun, nagkakaaway kaya naiipit sya sa gitna. But she like it though, masaya sya sa idea na marami syang kaibigan. She said, we have to give everyone a chance to be our friend.

She’s a hopeless romantic. She believes in destiny, fate, and serendipity. Naniniwala daw sya na lahat tayo, may itinakda na para makasama habang buhay. At pag natagpuan na natin ang taong yun, walang katumbas na materyal na bagay ang saya na mararamdaman natin. For her, men are basically creatures which are not equivalent to perfection, but neither women are. Lahat tayo, may kanya kanyang pagkukulang, it’s just a matter of acceptance.

She loves her country. Alam nyang sa bawat pagsubok at mga problema, ay may mga bagay pa rin na nagbibigay ng pag-asa. That after this dark era, Philippines will ressurect and find the right path to take. With the right ideals, with the right people in the government, and with one solid goal, a better country is not impossible.

Simple lang daw ang buhay sa kanya. Hindi mo kailangang hanapin lagi ang mali sa mga bagay bagay, dahil masyado lang nitong sinisira ang pagtingin mo sa mundo. Although she appreciates mistakes as reasons for us to see the right things, hindi daw yun dahilan para laging mag-dwell sa mga pagkakamaling yon. Instead use those as a tool for improvement and growth.

Until now, I’m still puzzled about the idea of meeting two exactly opposite persons in a span of two days. Masyadong surreal. And wala nang mas tatalo pa sa weird feeling na naramdaman ko nung tumingin ako sa salamin at nakita ko ang similarities naming tatlo.

blog 

April252012

(Source: lovequotesrus, via linali)

2AM
April232012
fairestidealist:

hersandhistory:

jascurtissmith:

which one is yours?

♥

Two. ☺

fairestidealist:

hersandhistory:

jascurtissmith:

which one is yours?

Two. ☺

4AM

The Exact Definition of Love

Ilang beses ko na bang na-encounter ang tanong na ‘What is love?’ o kaya ‘Define love?’.

Simula sa mga slambook na usong uso noong elementary, hanggang sa mga chain message na kailangan mo daw sagutan at ipasa sa iba, patungong Facebook Notes na kailangan mo i-tag sa iba (yung iba may promo pa; pwede ka mag-wish), lahat ng yan, di mawawala ang mahiwagang tanong. Di rin mawawala ang sagot na ‘Love is like a rosary, full of mystery’, ‘Love is like chocolate, sometimes sweet, sometimes bitter’ at ang imortal na sagot na sigurado akong maisasalin sa mga susunod pang salinlahi, ang ‘Love is blind.’

Napakarami nang hinirang na magagaling na manunulat, pero ni isa, wala talagang konkretong sagot kung ano nga ba ang tunay na depinisyon ng love. Kung sasanguni ka naman sa mga diksyunaryo, na malamang ay naipayo na rin sayo ng ilang mga pilosopong tambay, mayroong sagot, pero alam mong hindi iyon ag hinahanap mo. Masyado kasing teknikal ang sabi ni Webster, masyadong direkta, kaya hindi rin natin matanggap bilang tunay na ibig sabihin ng salita.

Ngayon, kung tinatanong mo kung nasa akin ba ang mahiwagang sagot sa tanong, aba, hindi ka nagkakamali. Oo, nasa akin ang sagot.

Ilang internet forums na nga tumakbo sa pagkahaba-habang diskusyon ukol sa true meaning of love? Ilang debate? Ilang pag-aaway sa cellphone? Ilang GM na nga ba ang naipadala na sumubok ipagmalaki sa lahat ang definition ng love? And yet, sa araw araw, hindi pa rin nauubos ang sagot. Laging may bago. Laging nageevolve.

Sabi nila, it takes a very long time for us to really feel love, dahil sa batang edad daw ng mga kabataan, ang nararamdaman nila ay pawang mga puppy crushes, at infatuation. Mayroon namang naniniwala na ang pagmamahal, walang pinipiling oras at edad, na lahat tayo, may kakayahan makaramdam ng pag-ibig regardless of hindrances. May ilang taong nagsasabing kailangan mo muna kilalanin ang tao, ang pagkatao nya, at tanggapin ito, para masabing tunay kang nagmamahal. Meron din namang naniniwala na hindi mahalaga ang tagal ng panahon na inyong pinagsamahan, basta makaramdam ka ng pagmamahal sa isang tao, then thats it. No doubt, you found love.

Noong unang panahon, ayon sa kwento ng mga lola ko, kinakailangan pa ng matagal na panahon bago masabi ng isang binata ang mga salitang ‘I love You’ sa isang babae. I mean, ‘Mahal kita’ or ‘Iniibig kita’. Napakahabang proseso pa daw. Hindi basta basta binibitiwan ang mga salitang iyon hangga’t hindi sila sigurado. At ang pagbigkas nito sa isang babae ay nangangahulugan na tinatali na ng lalaki ang buong buhay nya kasama ang babaeng napili nya. Ang ‘I love you’ noon ay may kapartner na paninindigan.

Fast forward naman tayo sa ngayon. I love you. I luv u. Haylabyo. Labyu. LhuAb YoU. Lhabyah.

Iba iba man ng spelling, isa lang ang ibig sabihin. Parang droga, talamak na talamak na ang mga salitang iyan sa panahon ngayon. Kahit saan, maririnig mo, mababasa mo nga kahit sa mga upuan ng bus, sirang arm chairs sa eskwelahan. Kahit sino, pwede nang magsabi nyan. Yung iba nga, parang natural expression na nila.
Hindi na big deal ang pagsasabi ng ‘I love you’ ngayon. Kapag ang babae nasabihan nito, minsan wala nalang. Tila ba kasing normal nalang ng mga salitang ‘to ang mga katagang ‘May assignment ka? Pakopya nga’.

Nawalan ng essence. Ngayon, kailangan mo ng sobrang effort para lang maipakita sa tao na sincere ka sa sinasabi mo. Yung iba, sinasamahan ng bulaklak, cake, chocolates, lobo, teddy bears, t-shirt, alahas para lang ma-stress ang point nila. Patunay ang isang laksang proposal videos, surprise valentine’s day videos sa Youtube.

Ang ‘I love you’ ay pwedeng partneran ng pambobola, pagsosorry, paghingi ng pabor, paghanap ng excuse, pangtitrip,panloloko, at pampalipas oras. Parang mga value meals sa fast food chains. Bahala ka na kung anong gusto mo. Depende sa mood.

Naiinip ka na ba? O sige,eto na ang hinahanap mong sagot. Kinailangan ko pang magbasa ng napakaraming libro, magresearch, at taimtim na pag-isipan ang lahat para lang makuha ‘to. At ngayon palang, sinasabi ko na sayo, wag kang magugulat kung makikita mo ko sa T.V dahil pinaparangalan ako dahil dito. Wag kang mag-alala, libre ang autograph ko kung sakali.

Okay. So eto na. Love is…


Love.


Tama ang nababasa mo. Love is love. Yan ang depinisyon ko.

Totoo. Napakahirap bigyang kahulugan ng salitang love. Lalo na sa panahon ngayon. Nakadepende rin naman yon sa bawat isa sa atin, dahil nga iba-iba tayong lahat, iba iba rin ang pananaw natin sa pag-ibig, Mayroon mababaw, merong malalim, merong komplikado, merong simple lang. Lahat, nakadepende sa kung anong nararamdaman mo, sa mga karanasan mo, at sa pagkakakilala mo sa sarili mo.


Alam ko kung anong iniisip mo ngayon, tinatanong mo ang sarili mo kung bakit pinagtyagaan mo pang basahin ‘to e wala ka namang napapala? Wala ka namang nakuhang sagot? Pero bakit ganon? Binabasa mo pa rin? Kahit na alam mong wala naman talaga sakin ang kasagutan.

Dahil nagbabakasakali ka na sa dulo nito, maibibigay ko ang sagot. Hindi ka pa rin sumusuko. Dahil sa isang bahagi ng utak mo, may nagbubulong sayo na ipagpatuloy ang paghahanap at pagbabasa. Umaasa ka, na pagkatapos, alam mo na ang kasagutan.

Just like being with someone and hoping that you’ll finally discover what love is, but ending the relationship with questions still hanging on your head.

But hey, kahit sabihin mong wala kang napala, you enjoyed the ride. I didn’t gave you the exact answer, but still, I gave you hope. Hope that somewhere out there, hiding, is the exact definition. You just have to wait for your turn to finally discover, and see it for yourself.

blog 

← Older entries Page 1 of 125